^

Bansa

Estudyanteng hinampas ng ROTC corps commander patay sa Iloilo — ulat

James Relativo - Philstar.com
Estudyanteng hinampas ng ROTC corps commander patay sa Iloilo — ulat
Litrato ng pagsasanay ng mga miyembro ng ROTC.
Army Reserve Command Facebook page

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang kadete ng Reserve Officers' Training Corps sa Iloilo matapos diumano hampasin ng tubo sa ulo ng isang ROTC corps commander.

Sa ulat ng Bombo Radyo Iloilo, kinilala ang biktima bilang si Willie Amihoy, 23-anyos, mula sa Iloilo State College of Fisheries sa Dumangas, Iloilo.

Natagpuang nakabalot sa tela ang bangkay ni Amihoy, residente ng Dumaguete City, sa loob ng banyo.

Ayon sa report, sinubukan pa raw ng suspek na si Elmer Decilao, 23, na tumakbo ngunit agad namang naaresto ng mga pulis.

Pinagbintangan daw kasi ng biktima si Decilao na kinuha ang kanyang cellphone nang walang paalam dahilan para magalit ang suspek.

Magtatapos na sana si Decilao sa kursong BA Education at isang ROTC corps commander sa kanilang eskwela.

'Kultura ng karahasan' sa ROTC

Umani naman ng batikos ang karahasan mula sa iba't ibang grupo ng kabataan.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kabataan party-list na tuluyang mapigilan ang mandatory ROTC sa mga paaralan.

"His death is one of the consequences of the prevailing culture of impunity and abuse within the ranks of the ROTC," ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago.

Dapat daw mapanagot si Decilao para sa karumaldumal na krimen.

Gayunpaman, sinabi ni Elago na responsable rin ang gobyerno para sa nasabing karahasan.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na obligahing kumuha ng ROTC ang mga estudyante ng senior high school.

"Moreover, we hold the Duterte administration accountable for perpetuating a culture of impunity and allowing fascism to permeate our schools," dagdag ng batang mambabatas.

'Yan din ang naging posisyon ng League of Filipino Students sa kanilang Facebook account.

"Physical abuses, violence, harassment, and other forms of rights violations have long been institutionalized by generating more and more AFP pawns in schools," ayon sa LFS.

Matatandang tinanggal ang mandatory ROTC sa kolehiyo matapos mapatay ni Mark Welson Chua, isang estudyante ng University of Santo Tomas.

Pinaniniwalaang pinaslang si Chua noong 2001 matapos magsiwalat ng mga diumano'y iregularidad sa ROTC.

CRIME

ILOILO

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with