^

Bansa

Pulis na nasibak sa puwesto may sahod pa rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pulis na nasibak sa puwesto may sahod pa rin
Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Elea­zar, na hindi maaaring alisin ang sahod ng mga pulis na na-relieve dahil na rin sa “due process” na ipinatutupad ng PNP tulad ng ipinatutupad sa mga korte sa bansa sa mga akusadong kriminal.

MANILA, Philippines — Makatatanggap pa rin ng kanilang buwanang sahod ang mga pulis na nasibak sa kanilang puwesto.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Elea­zar, na hindi maaaring alisin ang sahod ng mga pulis na na-relieve dahil na rin sa “due process” na ipinatutupad ng PNP tulad ng ipinatutupad sa mga korte sa bansa sa mga akusadong kriminal.

Nilinaw ng heneral na magkaiba ang kahulugan ng nasibak sa puwesto at nasibak sa serbisyo. Ang huli ang tuluyan nang mawawala sa PNP at wala na ring suweldo.

Paliwanag ni Eleazar, ang criminal at administrative charges na ihahain laban sa mga tiwa­ling pulis at ang resulta ng mga imbestigasyon laban sa mga ito ay maaring magresulta sa dimissal o pagkakasibak ng mga ito sa serbisyo.’

Ang mga pulis na nasibak sa puwesto ay inilalagay sa “on-hold” sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng PNP habang lumalarga ang imbestigasyon sa kanilang mga kaso.

Noong Miyerkules, 27 miyembro ng Pasay City Police-Station Drug Enforcement Unit kabilang na ang isang Police Superintendent ang nasibak sa puwesto dahil sa reklamong “kidnap-for-ransom laban sa kanila habang 15 pulis din ang nasibak sa Eastern Police District dahil naman sa kasong extortion.

GUILLERMO ELEA­ZAR

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with