MANILA, Philippines — Isang magnitude 6.2 na lindol ang yumanig sa Burgos, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ang lindol na tectonic in origin ay naganap bandang alas-11:00 ng gabi at natunton sa 10.39°N, 126.09°E - 041 km N 03° E ng Burgos.
Ang unang impormasyon sa lindol na ipinalabas ng PHIVOLCS ay nakapagtala ng magnitude 6.4. Gayunman, ang sumunod na bulletin pagkaraan ng ilang minute ay itinala ito sa 6.2. Inasahan na ang mga Aftershocks.