MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Bam Aquino sa administrasyon na tutukan ang paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino at hindi para sa mga Tsino, sa harap ng ulat ng pagdagsa sa bansa ng mga manggagawa mula China.
“Gamitin sana ni Pangulong Duterte ang pagkasiga niya sa paggawa ng mga trabaho para sa mga Pilipino at mga nasa Pilipinas at hindi para sa mga dayuhan,” wika ni Aquino na tumatakbo para sa ikalawang termino sa ilalim ng Otso Diretso banner.
Ayon sa kanya, dapat unahin ng gobyerno ang trabaho para sa mga Pilipino upang hindi na sila maghanap ng ikabubuhay sa ibang bansa.