^

Bansa

Ilene De Vera: Ang Bb. Pilipinas hopeful sa Women's Day protest

James Relativo - Philstar.com
Ilene De Vera: Ang Bb. Pilipinas hopeful sa Women's Day protest
"Actually, this has been my advocacy," sabi ni Ilene sa panayam ng PSN. "... protecting women's rights and inspiring other women to do the same."
Instagram/Ilene de Vera

MANILA, Philippines — Muling binaha ng mga pulang bandila ang mga kalsada ng Maynila nitong ika-8 ng Marso para sa International Women's Day.

Ngunit mula sa 8,000 sumama sa protesta, mapapansin ang isang interesanteng personahe — si 2017 Mutya ng Pilipinas—Asia Pacific International Ilene Astrid de Vera.

Pero bakit nga ba piniling sumama, sa ilalim ng init ng araw at haba ng martsa, ng isang beauty queen?

"Actually, this has been my advocacy," sabi ni Ilene sa panayam ng PSN. "... protecting women's rights and inspiring other women to do the same."

Nag-aral sa University of the Philippines Cebu, hindi na bago para kay Ilene ang pagsama sa mga rali.

Martsa mula Mendiola patungong Liwasan Bonifacio, ika-8 ng Marso 2019.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Naging bahagi kasi ang Binibining Pilipinas 2019 hopeful ng isang progresibong grupo noong siya'y nag-aaral pa.

"I was part of the student organization Nagkahiusang Kusog sa Estudyante (Nagkakaisang Lakas ng Estudyante)," dagdag niya.

Noong 2016, sumali siya sa naganap na "One Billion Rising" sa Cebu.

Ang OBR ay isang global movement na itinatag noong 2012 para wakasan ang panghahalay at kaharasan laban sa kababaihan.

Ibinatay ang salitang "billion" sa datos ng United Nations na tumutukoy sa isa sa tatlong babae, o isang bilyon, na mapagsasamantalahan o mabubugbog sa kanyang buhay.

Madalas gamitin sa OBR ang sayaw bilang porma ng pagtutol sa mga abuso.

Pagsayaw ng "One Billion Rising" sa Luneta.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Ilene at Gabriela

Dalawang taon na ang nakalilipas nang tumira sa Maynila ang beauty queen.

Simula nang manalo't kontratahin ng Mutya ng Pilipinas, nagtratrabaho siya bilang freelance model dito.

Sa pamamagitan ng isang malapit na kaibigan, dito na rin daw niya nakilala ang Gabriela Women's party-list kung kaya't naimbitahan sa protesta.

Bagama't hindi pa siya miyembro, suportado naman daw niya ang grupo.

"I see that we are on the same page in our advocacies so I just hope na I'll be able to work with them. I'll be supporting them naman throughout as long as we're on the same page with our advocacies," dagdag niya.

Kilala ang nasabing grupo ng kababaihan dahil sa matatapang na tindig laban sa madugong gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law at panghihimasok ng US at Tsina sa soberanya ng Pilipinas.

"Well, she approached us a few days ago saying that she wants to know more about women's rights, about women's issues, and how she can contribute sa women's movement or be part of it," ani Joms Salvador, secretary general ng Gabriela. 

Placard na hawak ng mga babae sa Luneta nitong Biyernes.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Dahil dito, nais daw nilang matulungan si Ilene na lalong mapalalim ang kanyang pampulitikang kamalayan.

"So we're now trying to give her the support she needs for learning about the issues. And we said that it would be good for her to come to the March 8 International Women's Day program so she could be with the women from different backgrounds," dagdag ni Salvador.

Iba't ibang mukha kasi ng kababaihan ang dumalo sa protesta nitong Biyernes: mga estudyante, manggagawa, magsasaka, maralitang lungsod at katutubo.

Nang tanungin kung susuportahan ng Gabriela si Ilene na mapili bilang kandidata sa Binibining Pilipinas 2019, ito naman ang naging sagot ng grupo: "We made it clear to her that as a matter of analysis doon sa beauty pageants, ... Gabriela is critical of [them]. Kasi nga they pertetuate, you know, stereotypes. And that they can sometimes be venues for abuse of women," sabi ni Salvador.

Matagal nang binabatikos ng mga peminista ang mga pageants dahil sa pag-o-"objectify" sa kababaihan at pagtatakda ng "'di realistikong" pamantayan ng ganda.

Pero hindi naman daw nila pipigilan si Ilene, bagkos nakita pa itong pagkakataon.

"But we do understand why women would still want to enter or join beauty pageants. And at least, it seems that the trend these days... those participating in beauty pageants... at least would want to be more socially aware, want to know more about their rights as women," sabi ng lider kababaihan.

Pagwagayway sa bandila ng Gabriela.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Kung papalaring makapasok at manalo ng Binibining Pilipinas 2019 si Ilene, mairerepresenta niya ang bansa sa Miss Universe.

Pero hindi ito ang unang pagkakataon na papasukin ng isang aktibista ang larangan ng international pageants.

Taong 1967, naging kinatawan ng bansa Margarita "Maita" Gomez sa Miss World.

Naging bahagi si Gomez ng kilusang "underground" na layong patalsikin ang diktador at noo'y Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Gomez din ang isa sa co-founders ng Gabriela noong 1984.

Matatandang kinastigo rin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ilang panukala ng administrasyong Duterte, kabilang na ang pagbababa ng minimum age of criminal responsibility.

"Para sa amin, okay 'yun. Kasi at least that could also equip them with necessary analysis, insights doon sa papasukin nila na foray."

Pagsasamantala nangyayari pa rin

Labas sa "glitz and glamour" ng mundo ng showbiz, hindi lingid sa kalaaman ni Ilene na dapat baguhin ng mga babae ang lipunan.

"There's still oppression and we are still experiencing it," sabi ni Ilene.

"I would want them (women) to continue on in fighting for our rights because we are all human and we deserve that our rights be protected... I hope to inspire them throughout and I hope that we would not lose hope."

Mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte at ibinagsak na "Bengga Blocks." Nakasulat dito ang mga polisiyang pahirap daw sa kababaihan at mamamayan.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Hindi naman nakaligtas ang presidente sa mapagmatyag na Mutya ng Pilipinas.

Punto kasi ng batikos si Digong pagdating sa mga kontrobersyal niyang mga pahayag sa mga kababaihan, tulad ng utos na barilin sa puki ang mga babaeng miyembro ng New People's Army at rape jokes tungkol sa Australian missionary.

"To our dear President Duterte, I just hope you realize the impact of your words to the community, especially to the women in our country because this doesn't really show that he wants to unite us all," kanyang paliwanag.

Pero tila hindi pa naman huli ang lahat para sa pangulo dahil sa kanyang iniwang hamon: "I hope the he really looks forward to creating... genuine peace and unity in our country."

GABRIELA

ILENE DE VERA

INTERNATIONAL WOMEN'S DAY

MISS UNIVERSE

MUTYA NG PILIPINAS

PROTEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with