MANILA, Philippines — Simula na ngayon ang pagpapatupad ng “fixed rate” na sahod ng mga bus driver at konduktor.
Ito’y matapos paboran ng Korte Suprema noong nakaraang taon ang utos ng Labor department at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing “part-fixed-part-performance-based” ang pagpapasahod sa mga driver at konduktor ng bus.
Sa ilalim ng kautusan, makakatanggap ang bus drivers ng mga benepisyong tinatamasa ng regular employees tulad ng retirement package at PhilHealth at social security coverage.
Maaari aniyang makansela ang prangkisa ng mga operator na lalabag dito.
‘They (operators) should welcome this dahil they have to consider na iyung kanilang driver, konduktor, minsan nagkakaroon ng aksidente dahil kadalasan iyung ating mga driver kung anu-anong ginagawa para magkaroon ng maraming pasahero para lalaki ang kanilang komisyon. Delikado ho iyun,” sabi ni Labor Sec. Silvestre Bello.