^

Bansa

Ranggo ng PNP, balik muna sa dati

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ranggo ng PNP, balik muna sa dati
Sa panibagong me­morandum na inilabas ni Police Deputy Director General Camilo Cascolan na may petsang Marso 7, binawi ang unang memo at lahat ng memorandum na may kinalaman sa bagong rank classification.

MANILA, Philippines — Matapos na lumikha ng kalituhan partikular na sa mga pulis na nasa mababang ranggo, balik muna sa dati ang klasipikasyon sa pagbabago ng ranggo ng PNP na unang binago at inihalintulad sa militar.

Sa panibagong me­morandum na inilabas ni Police Deputy Director General Camilo Cascolan na may petsang Marso 7, binawi ang unang memo at lahat ng memorandum na may kinalaman sa bagong rank classification.

Nakasaad sa bagong memo na hindi muna ipapatupad ang bagong rank classification hangga’t hindi inilalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 11200 na ipamamahagi sa lahat ng units ng PNP sa buong bansa.

Una rito, sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde na mayroong kuwestiyon kung papaano ang gagawing daglat o pagpapaikli (abbreviation) sa mga bagong ranggo

Inihalimbawa pa ng PNP chief ay kung legal bang gamitin ang “PGen.” bilang daglat ng Police General  na ranggo ng PNP Chief  para maipakita na iba ito sa “General” ng militar.

Nito lang Pebrero 8 ay nilagdaan ni Pa­ngulong Duterte ang RA 11200 na nagsasa-standardize sa pagtawag sa PNP officers sa pamamagitan ng kanilang mga ranggo na ipinareho sa militar.

OSCAR ALBA­YALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with