MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng siyam na sentimong dagdag-singil sa kuryente kada kilowatt hour (kwh) ngayong Marso.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, nangangahulugan na ang mga consumers na nakakagamit ng 200 kwh sa isang buwan ay magkakaroon ng P18 dagdag sa kanilang bayarin sa kuryente ngayong buwan.
Nasa P26 naman ang dagdag sa mga tahanang nakakakonsumo ng 300 kwh; P36 para sa 400 kwh at P45 sa 500 kwh kada buwan.
Pinayuhan ng Meralco ang mga consumers na magtipid ng kuryente sa mga susunod na buwan hanggang kalahatian ng Hunyo dahil sa inaasahang pagsipa ng konsumo ng kuryente dahil sa pagsapit ng panahon ng tag-init.