Balota sa overseas absentee voting tapos na

Ayon kay Comelec Director III Elaiza David, ng Office for Overseas Voting, natapos na ang pag-imprenta at ipina-pack na lamang ito para maipadala sa ikalawang linggo ng buwan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang pagpapadala sa mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting para sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Director III Elaiza David, ng Office for Overseas Voting, natapos na ang pag-imprenta at ipina-pack na lamang ito para maipadala sa ikalawang linggo ng buwan.

Nabatid na tatagal ng 30 araw ang voting period para sa halos dalawang milyong mga overseas voter kung saan ang pinakamarami ay matatagpuan sa Middle East at Africa.

National positions lamang ang maaring iboto ng mga overseas voter o 12 senador at isang party-list group.

Show comments