Acting Budget chief itinalaga
MANILA, Philippines — Pansamantalang pamumunuan ni Budget Undersecretary Janet Abuel ang DBM matapos na italaga ni Pangulong Duterte si Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapalit ni BSP governor Nestor Espenilla na kamakailan ay pumanaw dahil sa sakit na kanser.
Una dito’y nagpaabot ng pasasalamat ang Malacañang sa ipinagkaloob na serbisyo ni Diokno sa Department of Budget and Management dahil sa kanyang hindi matatawaran na kakayanan.
Naniniwala ang Malacañang na nasa mabuting kamay ang BSP sa ilalim ng pamamahala ni Diokno kung saan, tiyak umanong magpapatupad ito ng reporma sa ahensiya.
Malakas ang ugong na posibleng si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang italagang DBM chief ni Pangulong Duterte sa sandaling matapos ang termino nito bilang lider ng Kamara.
- Latest