MANILA, Philippines — Pinaigting ng Philippine Army ang ugnayan nito sa counterpart mula sa Japanese Army matapos ang pagbisita ni Gen. Koji Yamazaki, Chief of Staff ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) sa kanilang himpilan sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.
“My visit implies that my country recognizes the Philippines as a significant strategic partner in East Asia,” pahayag ni Yamazaki na sinamahan ng iba pang Japanese Army official sa nasabing courtesy call.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Ramon Zagala, ang PH Army at ang JGSDF ay lumagda sa terms of reference noong Hunyo 2015 kung saan nagkasundo upang palakasin pa ang mutual issues at concernes , anim na buwan matapos na ang Tokyo at Manila ay pagtibayin ang Agreement on Defense Cooperation Exchanges.
Samantala, tumanggap naman ang PH Army ng 80 assault rifle at 44 mortar mula sa US na nais palakasin ang depensa ng kanilang kaalyadong puwersa.
Nabatid kay Zagala na ang nasabing grant mula sa US ay alinsunod sa Military Assistance Program habang ang mga mortar ay matapos naman ang US Foreign Military Sales Program.