MANILA, Philippines — Pasok ang Boracay at El Nido sa Palawan sa listahan ng pinakamagandang beach sa Asya.
Nabatid na pang-siyam ang Boracay sa best beach in the region, ayon sa TripAdvisor’s 2019 Traveler’s Choice Awards.
Bukod sa Boracay, pasok din sa pang-13 pwesto ang Nacpan Beach at Las Cabanas beach sa El Nido, Palawan, na ibinase ang resulta sa mga testimonya o reviews ng mga traveller.
“We take it that this TripAdvisor citation of Boracay and El Nido, is indicative of the positive reactions to the reforms and new policies being implemented in an effort to inculcate a culture of sustainable tourism,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat.
Noong nakalipas na taon ay ipinasara ang Boracay para sa rehabilitasyon na sa kasalukuyan ay nasa 320 establisimyento na ang dumaan sa island accounting ng Boracay Interagency Task Force.
Inaasahan ng DOT na mas maipo-promote pa ang Boracay sa oras na makumpleto na ang rehabilitasyon sa Disyembre.