^

Bansa

El Niño paghandaan - Tolentino

Pilipino Star Ngayon
El Niño paghandaan - Tolentino
Tinatayang tatama ang matinding tag-tuyot sa Pilipinas ngayong taon kaya’t maaga pa lamang, hinihimok na ni Tolentino ang mga Pilipino na maghanda sa posibleng epekto ng nasabing phenomena sa buhay at hanapbuhay ng ating mga kababayan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang environmental lawyer at ngayo’y isa sa mga pambato ng PDP Laban sa Senado, Atty. Francis Tolentino na dapat na paghandaan ng mga mamayan ang napipintong paglukob ng El Niño sa bansa.  

Tinatayang tatama ang matinding tag-tuyot sa Pilipinas ngayong taon kaya’t maaga pa lamang, hinihimok na ni Tolentino ang mga Pilipino na maghanda sa posibleng epekto ng nasabing phenomena sa buhay at hanapbuhay ng ating mga kababayan.

Ayon kay Tolentino, magkakasanga o may chain reaction ang epekto ng El Niño sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino. 

Anya, apektado ang agrikutura at produksiyon ng pagkain dahil sa pagkatuyo ng lupa; ang suplay ng tubig; tataas ang presyo ng pagkain dahil sa mababang suplay; tataas ang konsumo sa kuryente dahil sa init ng panahon; tataas ang kaso ng mga sakit na karaniwang bunsod ng napakainit na panahon tulad ng heat stroke at skin asthma.

Dagdag pa ni Tolentino, ang parating na El Niño ay patikim pa lamang ng inaasahang malawakang krisis sa tubig pagdating ng 2025. Hinihikayat ng dating kalihim ang ating mga kababayan na maging matalino sa paggamit ng tubig at makiisa sa mga hakbangin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga pinagkukunang tubig natin sa bansa.

EL NIñO

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with