^

Bansa

27M estudyante bibigyan ng insurance - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
27M estudyante bibigyan ng insurance - DepEd
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, dahil sa sinapit ng mga estudyante ng Basay National High School, na kinabibilangan ng isang Grade 7 student at apat na Grade 11 students, ay bumuo sila ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataang mag-aaral.

MANILA, Philippines — Nais ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng year-round insurance ang may 27 milyong estudyan­te sa bansa, kasunod na rin nang pagkamatay ng limang mag-aaral sa isang vehicular accident sa Negros Oriental noong Marso 1.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, dahil sa sinapit ng mga estudyante ng Basay National High School, na kinabibilangan ng isang Grade 7 student at apat na Grade 11 students, ay bumuo sila ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataang mag-aaral.

Plano nila na mabig­yan ng year-round insurance ang mga mag-aaral, lalo na kung lalabas sila ng kanilang mga paaralan, upang lumaban sa mga kumpetisyon at iba pang aktibidad na may kinalaman sa kanilang pag-aaral.

Umaapela rin si Briones sa mga regulatory agency na magsagawa ng mas maingat na plano at monitoring sa mga behikulo, partikular na sa mga public utility vehicles (PUV), na kagaya nang sinak­yan ng mga naturang estudyante na nasawi sa aksidente.

Tinukoy rin ni Briones ang pangangaila­ngan nila sa quick res­ponse fund, dahil ang probisyon para sa financial assistance sa mga ganitong uri ng kaganapan ay hindi kasama sa budget ng DepEd kaya plano nilang ihayag ito sa Kongreso sa susunod na budget proposal nila.

Ayon pa kay Briones, isang malaking kawalan ang pagkamatay ng mga kabataan, dahil hindi lamang ang buhay ng mga ito ang nawala sa atin kundi maging ang pa­ngako, labis na pangarap, at pag-asa. 

DEPARTMENT OF EDUCATION

STUDENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with