SMEs, ‘salbabida’ng maliliit na negosyante - Mar

Sa multi-sectoral forum sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating DTI secretary na si Roxas kung paano makapagsisimula ng negosyo ang mga mamamayan sa tulong ng pautang ng gobyerno. Ipinaliwanag ni Roxas na nakasaad sa batas na ito na ang mga bangko ay dapat na magpautang sa mga maliliit na negosyante.

MANILA, Philippines — Nagmistulang salbabida na sumagip sa maraming maliliit na negosyante ang batas na ginawa ni dating senador Mar Roxas ukol sa “Magna Carta for Small-Medium Enterprises”.

Sa multi-sectoral forum sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating DTI secretary na si Roxas kung paano makapagsisimula ng negosyo ang mga mamamayan sa tulong ng pautang ng gobyerno. Ipinaliwanag ni Roxas na nakasaad sa batas na ito na ang mga bangko ay dapat na magpautang sa mga maliliit na negosyante.

Ayon kay Roxas, ang gobyerno ay puwedeng umutang sa mga pondong kailangan ng estado pero hindi ganito sa pangkaraniwang mamamayan na walang pang-collateral.  Tinukoy ni Roxas ang Small Business Guarantee Fund Corporation (SBGFC), na isang government agency na gumagarantiya na makakautang sa bangko ang SMEs.

Show comments