^

Bansa

72 patay sa drug war ngayong Enero 2019

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
72 patay sa drug war ngayong Enero 2019
Ayon kina PNP Spokesman P/Sr. Supt Bernard Banac at PDEA Spokesman Derrick Carreon, nasa 5,176 drug personalities ang napapaslang matapos na manlaban sa law enforcers simula noong maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016 hanggang Enero 31, 2019.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa 72 pang drug personalities ang napatay sa giyera kontra droga mula Enero 1 hanggang 31 ngayong 2019.

Ayon kina PNP Spokesman P/Sr. Supt Bernard Banac at PDEA Spokesman Derrick Carreon, nasa 5,176 drug personalities ang napapaslang matapos na manlaban sa law enforcers simula noong maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016 hanggang Enero 31, 2019.

Aabot naman sa 170,689 drug perso­nalities ang nasakote sa kabuuang 119, 841 anti-illegal drugs operation sa loob ng dalawa at kalahating taon.

Sa nasabing bilang, 263 ang mga halal na opisyal, 295 government employees at 69 uniformed personnel.

Mula Hulyo 2016 hanggang Enero 2019, kabilang sa mga naaresto ay 2,016 menor de edad.

Aabot naman sa P19.14 bilyon ang nakumpiskang droga o pagtaas ng 308.27 M mula Dis­yembre 31, 2018.

DERRICK CARREON

DRUG KILLINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with