^

Bansa

P200-million nakotong ng NPA sa mga kandidato

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P200-million nakotong ng NPA sa mga kandidato
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, ang pagbibigay ng pera ng mga kandidato ay sinasabing ‘permits to campaign’ ng NPA.
File Photo

MANILA, Philippines — Tumataginting na P200 milyong extortion money ang sinasabing nalikom ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) mula sa mga kandidatong tumakbo sa 2016 elections, batay sa ‘konserbatibong pagtaya’ ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, ang pagbibigay ng pera ng mga kandidato ay sinasabing ‘permits to campaign’ ng NPA.

Batay sa natanggap nilang ulat, talamak ang naturang gawain sa Bicol region, gayundin sa Ilocos region, Southern Tagalog, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at maging sa Davao region.

Magkakaiba ang halaga na ibinibigay ng kandidato sa mga rebelde, depende sa tatakbuhang posisyon ng mga ito, gayundin sa negosasyon nila.

Ang mga local candidates aniya ay nagbabayad ng libu-libong piso habang milyun-milyon naman ang ibinabayad kung national position ang kanilang tinatakbuhan.

Sa ngayon umano ay 349 pulitiko ang kasama sa watchlist ng departamento, kabilang dito ang 11 gobernador, 5 bise gobernador, 10 provincial board members, 55 mayors, 21 vice mayors, 41 councilors, 126 barangay captains, 50 barangay councilors, at walong iba pang barangay officials.

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with