Total ban sa importasyon ng karne ng baboy, hirit ng AGAP

Ayon kay Briones, kapag hindi itinigil ng pamahalaan ang importasyon ng karne ng baboy ay malalagay sa peligro ang P200-bilyong “business industry” ng mga nag-aalaga ng baboy sa bansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hiniling ng Agricultural Sector Alliance of the Philippine (AGAP) na magpatupad ang gobyerno ng ‘total ban’ sa loob ng 3-6 na buwan sa importasyon ng karne ng baboy bunsod ng patuloy na paglawak ng pinsala ng African Swine Fever na ngayon ay nananalasa sa 15 bansa.

Sinabi ni AGAP President Nicanor “Nikki” Briones, maging sa maunlad na bansang Japan at Vietnam ay nakapasok na rin ang sakit na African Swine Fever.

Ayon kay Briones, kapag hindi itinigil ng pamahalaan ang importasyon ng karne ng baboy ay malalagay sa peligro ang P200-bilyong “business industry” ng mga nag-aalaga ng baboy sa bansa.

Sa isang media interview sa Quezon City, sinabi ni Briones, 95-percent ng mga karne ng baboy sa merkado ay nagmumula sa lokal na mga nag-aalaga ng baboy.

Nilinaw naman ni Briones na ang pagkain ng baboy na kontaminado ng African swine ay hindi naman nagreresulta sa kamatayan.

Show comments