^

Bansa

Mga gwardya ng Bangko Sentral, Ayala Land ni-raid ng NPA-Bulacan

James Relativo - Philstar.com
Mga gwardya ng Bangko Sentral, Ayala Land ni-raid ng NPA-Bulacan
Kuha ng mga miyembro ng kilusang "underground" sa isang lightning rally.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Sinalakay ng isang platoon ng New People's Army-Bulacan ang opisina at detachment ng Seraph Security Agency, mga armadong gwardiya ng Bangko Sentral Pilipinas at Ayala Land sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Nakumpiska ng mga rebelde ang 14 na armas kabilang ang 12 matataas na kalibre ng baril at dalawang pistola, magazine at mga bala ayon sa website ng Communist Party of the Philippines noong Martes.

Maliban dito, nakuha rin daw ang pitong Icom radio, posas at iba pang kagamitang militar.

Isinagawa ang pag-atake bandang alas siyete ng gabi noong ika-25 ng Pebrero.

Ayon kay Jose del Pilar ng NPA-Bulacan, opensiba ito laban sa "goons" na ginagamit diumano ng Ayala Land at BSP sa pang-aagaw ng lupa sa mga katutubong Dumagat at Remontados.

"Ang nasabing security agency ay kinabibilangan ng mahigit 40 armadong gwardya at goons na nagpapatupad sa pangangamkam ng 700 ektaryang lupa para sa interes ng Ayala Lands ng Pamilyang Zobel-Ayala at ng BSP," ani Del Pilar sa statement.

Aniya, pwersahang pinalalayas at tinatakot diumano ang mga magsasaka't katutubo sa lugar upang mapaalis sa sakahan, tirahan at lupang ninuno.

Ginagamitan din daw ng panlilinlang ang mga magsasaka't katutubo sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga lupain sa "napakamurang halaga." Pandarahas at pagpatay naman daw ang kinakaharap ng mga tumatangging magbenta ng lupa.

Dahil dito, napalayas na raw ang "mahigit 200 pamilya ng mga magsasaka at katutubong Dumagat at Remontado sa San Isidro, San Jose del Monte City, Bulacan."

"Ang reyd na ito ay pagbibigay katarungan sa kaapihan ng mga katutubong Dumagat at Remontado, mga magsasaka at mamamayan na patuloy na pinagsasamantalahan ng sabwatang BSP-Ayala Land at iba pang mangangamkam ng lupa sa lalawigan ng Bulacan," dagdag nila.

Wala pa namang pahayag ang BSP at Ayala Land patungkol sa nasabing pagsalakay.

AYALA LAND

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

NEW PEOPLE'S ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with