^

Bansa

Konstruksyon ng Metro Manila Subway umarangkada na

James Relativo - Philstar.com
Konstruksyon ng Metro Manila Subway umarangkada na
Sa bilis na 80 kilometro kada oras, kaya raw nitong paiksiin ang commute mula Quezon City patungong NAIA Terminal 3 sa ilalim ng 30 minuto.
Twitter/DOTrPH

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project ngayong araw sa isang groundbreaking ceremony na ginanap sa barangay Ugong, Valenzuela City.

Sa bilis na 80 kilometro kada oras, kaya raw nitong paiksiin ang commute mula Quezon City patungong NAIA Terminal 3 sa ilalim ng 30 minuto.

Tatakbo sa 36-kilometrong ruta, magkakaroon ng 15 istasyon ang unang underground railway system mula Quirino Highway sa Quezon City hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay at FTI sa Taguig.

Dadaan ito sa pitong lokal na gobyerno at tatlong business districts sa Kamaynilaan.

Isang flagship project sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, itatayo ang subway sa suporta ng gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Official Development Assistance loan ng Japan International Cooperation Agency.

Kalamidad sa Pilipinas? No worries

Pinahupa naman ng Department of Transportation ang takot ng marami hinggil sa mga kalamidad.

Nakatapat kasi kasi sa Dagat Pasipiko at nasa loob ng Pacific Ring of Fire ang Pilipinas, dahilan para maging takaw bagyo at lindol ang bansa.

"Considering Metro Manila’s exposure to weather and seismic events, a condition very similar to that of Japan, the Metro Manila Subway employs proven Japanese technologies to make the system resilient against natural disasters," ayon sa DOTr.

Noong isang linggo, personal na ininspeksyon ni Transport Secretary Arthur Tugade ang tunnel boring machines, subway flood control equipment at iba pang technological advancements at gawi ng Japan pagdating sa kanilang railway operations.

Pinirmahan ang kontrata para sa design at build ng depot ng subway para sa unang tatlong istasyon nito noong ika-20 ng Pebrero.

Simula ng operasyon

Magiging partially operational ang unang tatlong istasyon ng tren (Quirino Highway-Mindanao Avenue Station, Tandang Sora Station at North Avenue Station) sa darating na 2022.

Target naman ng gobyerno na magsimula ang operasyon ng 15 istasyon nito sa 2025.

Inaasahang magsisilbi ang MMSP sa 370,000 pasahero kada araw sa unang taon ng full operations nito.

Gayunpaman, aabot sa 1.5 milyong pasahero kada araw ang design capacity nito.

Ilan sa mga dumalo sa seremonyas kanina ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, DOTr Secretary Tugade, Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, National Economic and Development Authority Director-General at Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, JICA Philippines Chief Representative Yoshio Wada, iba pang opisyal sa transportasyon at pambansa at lokal na pamahalaan, at mga kinatawan ng Shimizu-Fujita-Takenaka-EEI Joint Venture.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METRO MANILA SUBWAY PROJECT

RAILWAY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with