Illegal Chinese workers handang ipa-deport

Paglilinaw ito ng Malacañang sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kamakailan na hayaan lamang ang mga Chinese workers na nagtatrabaho sa bansa.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Handang ipa-deport ng gobyerno ang mga Chinese workers kapag napatunayan na lumabag sila sa umiiral na batas ng bansa.

Paglilinaw ito ng Malacañang sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kamakailan na hayaan lamang ang mga Chinese workers na nagtatrabaho sa bansa.

“We wish to clarify that the President’s policy on Chinese workers who are illegally staying in the country remains the same, which is the enforcement of immigration laws against violators. Our laws will be applied with full force and effect equally to all foreign nationals who violate them,” paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. 

“Chinese workers who have working permits and compliant with immigration rules and do not violate the laws of the land will be accorded the protection they are entitled to,” sabi pa ni Panelo.

Aniya, nagkausap sila ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua kamakailan kung saan sinabi nitong handa rin ang China para sa deportation ng sinumang foreign national kasama ang Filipinos kung lalabag sa kanilang batas.

Show comments