Bagyo papasok sa ‘Pinas

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo na nasa labas pa ng bansa ay may international name na Wutip.

MANILA, Philippines — Isang bagyo ang nag­babantang pumasok sa Philippine area of res­ponsibility (PAR), bukas, Miyerkules.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo na nasa labas pa ng bansa ay may international name na Wutip.

Ito ay huling nama­taan sa layong 1,815 ki­lometro ng silangan ng Southern Luzon at patuloy ang pagkilos pahila­gang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Taglay nito ang ha­ngin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 225 kilometro bawat oras.

Kaugnay nito, iniulat ng PAGASA na patuloy na nakakaapekto sa bansa ang amihan partikular sa lalawigan ng Aurora at Quezon province gayundin sa Bicol region.

Show comments