Bagyo papasok sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Isang bagyo ang nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR), bukas, Miyerkules.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo na nasa labas pa ng bansa ay may international name na Wutip.
Ito ay huling namataan sa layong 1,815 kilometro ng silangan ng Southern Luzon at patuloy ang pagkilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Taglay nito ang hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 225 kilometro bawat oras.
Kaugnay nito, iniulat ng PAGASA na patuloy na nakakaapekto sa bansa ang amihan partikular sa lalawigan ng Aurora at Quezon province gayundin sa Bicol region.
- Latest