People Power sa balota panlaban sa katiwalian
MANILA, Philippines — Tatlumpu’t tatlong taon matapos mapatalsik ang tiwaling diktador, iginiit ni Senador Bam Aquino na kailangan ng panibagong People Power sa pamamagitan ng balota upang matiyak na walang tiwaling kandidato ang mahahalal sa Senado.
“Ang laban ng EDSA noong 1986 ay laban sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan, magnanakaw ng buhay at karapatan, magnanakaw ng magandang kinabukasan sa mahigit dalawang dekadang pamumuno ng diktador,” dagdag ni Aquino.
Ayon pa sa reelectionist senator, dapat muling mag-apoy ang diwa ng EDSA 1 sa gitna ng mga isyu ng katiwalian na bumabalot sa gobyerno sa kabila ng pangako ng administrasyon na sisibakin ang mga opisyal na makikitang sangkot sa katiwalian.
- Latest