^

Bansa

Hirit ng UN: De Lima palayain!

Pilipino Star Ngayon
Hirit ng UN: De Lima palayain!
Nito namang Pebrero 10 ay may kagayang resolusyon, House Resolution No. 2506, ang isinumite ng mga kakampi ni de Lima sa Kamara. Nanawagan din silang ipatupad ng pamahalaan ang mga rekomendasyon ng nasabing komite sa UNHRC.
Michael Varcas

Sa ika-2 taon na pagkabilanggo

MANILA, Philippines — Hiniling ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa administrasyon na palayain si opposition Sen. Leila de Lima na dalawang taon ng nakakulong sa Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame.

Ang kahilingan ay batay na rin sa 13-pahinang  rekomendasyon ng Working Group on Arbitary Detention (WGAD) na palayain na ang senadora na nabilanggo noong Pebrero 24, 2017. Ang rekomendasyon ng WGAD Opinion ay pinagtibay noong Agosto 24, 2018 na isinapubliko lamang nitong Disyembre.

Nakasaad sa  UNHRC-WGAD, na si de Lima ay biktima umano ng hindi makatwirang pagkakapiit bunsod ng kanyang paglaban sa extrajudicial killings (EJK’s) at iba pang paglabag sa karapatang pantao at may nangyayari rin na diskriminasyon dahil sa kanyang kasarian, at hindi nagiging patas ang paglilitis sa kanya.

Ang rekomendasyon ay kinatigan din ng mga kaalyado ni de Lima sa Senado at Kongreso.

Sa Senado, inihain ng minority bloc sa pangunguna ni Minority Leader Franklin M. Dri­lon, at Senators Francis N. Pangilinan, Antonio F. Trillanes, Paolo Benigno Aquino IV at Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 1019 na may panawagang sundin ng gobyerno ang nasabing UNHRC-WGAD Opinion noong Pebrero 8.

Nito namang Pebrero 10 ay may kagayang resolusyon, House Resolution No. 2506, ang isinumite ng mga kakampi ni de Lima sa Kamara. Nanawagan din silang ipatupad ng pamahalaan ang mga rekomendasyon ng nasabing komite sa UNHRC.

Pirmado ang resolus­yong ito nina Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, Albay Rep. Edcel Lagman, Quezon City Rep. Kit Belmonte, Caloocan City Rep. Edgar Erice, Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. at Akbayan Rep. Tom Villarin.

“Having all of you as friends and allies, and fellow fighters for truth, justice and democracy, makes my own personal struggles a lot bearable and my resolve to carry on a lot stronger,” ayon kay de Lima sa kanyang liham noong Pebrero 11.

LEILA DE LIMA

UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with