^

Bansa

?Multa sa ospital na pipigil sa pasyente at bangkay, tataasan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
?Multa sa ospital na pipigil  sa pasyente at bangkay, tataasan
Kapag naipasa ang Senate Bill No 1937, mapagtitibay nito ang Republic Act No 9439 dahil tataasan ang multa laban sa mga naturang pagamutan.
AP

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Risa Hontiveros na dagdagan ang multa ng mga ospital, klinika at mga pagamutan na pumipigil sa mga pasyente at bangkay dahil sa mga utang nila.

Kapag naipasa ang Senate Bill No 1937, mapagtitibay nito ang Republic Act No 9439 dahil tataasan ang multa laban sa mga naturang pagamutan.

Sa ilalim ng umiiral na batas, pinapayagang makalabas ang pasyente na may utang sa pamamagitan ng promisory note, pero para sa mga public hospitals lamang.

Layon din ng panukala na magtatag ng isang anti-hospital detention fund upang mapagkunan ng pondo na pambayad sa mga mahihirap na pasyente at may alokasyong P100 million na pangangasiwaan ng  Department of Health.

Papatawan ng anim na buwan o hanggang dalawang taon pagkabilanggo ang kawani ng ospital na pipigil sa mga pasyente at multang P100,000 hanggang P300,000.

Sa kasalukuyang batas, P20,000-P50,000 ang multa at hindi bababa sa isang buwang pagkabilanggo.

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with