Sexual abuse ng pari inamin ni Cardinal Tagle
MANILA, Philippines — Pinatotohanan lamang ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle na totoo ang akusasyon ni Pangulong Duterte na naging biktima siya ng sexual abuse ng pari ng kanyang kabataan matapos aminin ng lider ng Simbahang Katoliko sa Vatican meeting na masakit ang katotohanan na may mga pari na gumawa ng child sexual.
Si Cardinal Tagle ang unang pinagsalita ni Pope Francis sa ginanap na Vatican Summit ukol sa “The Protection of Minors in the Church”.
Inamin ni Tagle sa kanyang pananalita na mayroong nagawang mga pagkakamali ang mga kaparian kaya dapat lamang ituwid ang mga ito.
“We view the presentation of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle during the historic Vatican Meeting, ‘The Protection of Minors in the Church,’ as a significant undertaking in raising awareness on child abuse committed by the members of the clergy,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
“This is a common theme of President Rodrigo Duterte’s speeches and a validation of his running criticism on the men of the cloth. Recognizing the misdeeds of the past by some members of the clergy is a humbling and painful admission on the venerable Roman Catholic Church known for its culture of self-denial and secrecy,” wika pa ni Panelo.
Magugunita sa mga naging pahayag ng Pangulo ay ikinukuwento nito ang dinanas niyang pang-aabuso sa mga pari noong kanyang kabataan.
- Latest