Opposition: Otso-Hugpong debate gawin sa Plaza Miranda sa EDSA anniv
MANILA, Philippines — Nanawagan ang ilang kandidato ng Otso-Diretso na gawin sa Plaza Miranda sa araw ng anibersaryo ng People Power I ang debate laban sa senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago.
Itinakda ito matapos kumasa ni Davao City Mayor Sara Duterte, chairperson at campaign manager ng Hugpong, sa naunang hamon ng Otso dahil sa diumano'y pag-iwas ng ilang kandidato ng administrasyon sa debate.
Aniya, pagkakataon ito upang matiyak ng mga botante na tama ang kanilang ihahalal.
Ilan sa mga tinukoy ng mga kandidato na sumalang ay si dating Special Assistant to the President Bong Go.
Kung ganun, sa Plaza Miranda tayo, Bong Go, 12nn, Monday, Feb 25. Game na akong maka-debate para pagusapan ang China issue. https://t.co/nys2bY4aeI @ABSCBNNews @gmanews @rapplerdotcom @TV5manila @UNTVNewsRescue @PTVph
— Gary Alejano (@GaryAlejano) February 21, 2019
"[S]a Plaza Miranda tayo, Bong Go, 12nn, Monday, Feb 25. Game na akong maka-debate para pagusapan ang China issue," sabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa kanyang Tweet noong Huwebes.
Nagpasalamat naman si Atty. Chel Diokno sa pagpayag ng HNP sa kanilang hamon.
"Salamat sa HNP sa pagsang-ayon na dalhin sa mga mamamayan ang ating prinsipyo, paniniwala, at mga hangarin para sa kanila. Malaki ang maitutulong niyan sa pagdedesisyon ng ating mga botante," ani Diokno.
"Nagkakaisa tayong mga kandidato sa layuning maipakilala ang ating pagkatao sa sambayanan," dagdag niya.
Nasasabik naman si dating Deputy Speaker Lorenzo Tañada III na makaharap ang kaibigang si Sen. Sonny Angara, na tumatakbo sa ilalim ng kalabang partido.
"We welcome Mayor’s Sarah statement that the administration candidates are ready to debate with the opposition. If this is true, I would like to debate with my friend and former colleague Sen @sonnyangara I hope he shows up on Feb. 25 at 12nn at Plaza Miranda. See you Sen Sonny," sabi ni Tañada kagabi.
We welcome Mayor’s Sarah statement that the administration candidates are ready to debate with the opposition. If this is true, I would like to debate with my friend and former colleague Sen @sonnyangara I hope he shows up on Feb. 25 at 12nn at Plaza Miranda. See you Sen Sonny
— Erin Tañada (@erintanada) February 21, 2019
Pero sabi naman ni Atty. Florin Hilbay, hindi sapat na si Sara Duterte lang ang magsabi na game sila sa debate. Dapat daw ay mismong ang mga kandidato ng HNP ang magkumpirma ng kanilang pagtugon.
"Maganda siguro kung hindi lang ang campaign manager ng HNP, kundi mismong ang mga kandidato ang kukumpirma nito... Ang aming mungkahi: kung seryoso sila, magharap na sa Lunes, Feb. 25," sabi ni Hilbay sa Facebook.
Noong Miyerkules, sinabi ni Sara Duterte na handa naman ang kanyang mga kandidato na humarap.
“Wiling naman ang mga senators. In fact, they are active sa mga debates ng mga media outlets. Sumasali sila,” anggit niya sa isang HNP sortie sa Cabanatuan City.
No debate, no senate
Nanawagan naman ang kandidatong si Atty. Romulo Macalintal na obligahin ng Commission on Elections ang pagsabak ng mga kandidato sa debate.
"If you file a certificate of candidacy, kailangan nakahanda kang humarap sa debate. No debate, no Senate," sabi ni Macalintal sa panayam ng News5.
"Kaya mo bang makipagdebate sa Senado o paupo-upo lang tayo doon?" dagdag niya.
Una nang umamin si dating Sen. Lito Lapid na hindi siya sumalang sa debate ni minsan kahit na nagsilbing senador nang 12 taon.
Sa kabila nito, naghamon naman kahapon si Kilusang Bagong Lipunan senatorial candidate Atty. Larry Gadon ng debate sa apat na pinakamagagaling na kandidato ng
Otso-Diretso.
Sa panayam ng PSN sa kampo ni Diokno, sinabi nilang hindi pa naman nila napag-uusapan kung papatulan nila ang kontrobersyal na abogado.
- Latest