MANILA, Philippines — Negatibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV) ang isang OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia na unang nakitaan umano ng sintomas.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, director ng DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ang 47-anyos na pasyente, na residente ng Sta. Cruz, Laguna ay may ‘flu’ kaya isinugod ito ng mga kaanak sa Laguna Doctors Hospital nitong gabi ng Martes. ?
Sinabi ni Janairo na nag-originate ang MERS-CoV sa Middle East kaya’t mabilis na itong dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). ?
Kaugnay nito, sinabi ni Janairo na walang MERS-CoV case sa bansa, pero mahigpit nilang binabantayan ang kaso ng naturang pasyente dahil mahirap umanong kontrolin ang naturang sakit, sa sandaling magsimula na itong kumalat.
Ang MERS-CoV ay may kahalintulad na sintomas ng trangkaso, ubo at sipon at malalaman lamang ang kaibahan nito kung isasailalim sa pagsusuri ang pasyente.