^

Bansa

OFW negatibo sa MERS-CoV

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
OFW negatibo sa MERS-CoV
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, director ng DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ang 47-anyos na pasyente, na residente ng Sta. Cruz, Laguna ay may ‘flu’ kaya isinugod ito ng mga kaanak sa Laguna Doctors Hospital nitong gabi ng Martes. ?
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Negatibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV) ang isang OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia na unang nakitaan umano ng sintomas. 

Ayon kay  Dr. Eduardo Janairo, director ng DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ang 47-anyos na pasyente, na residente ng Sta. Cruz, Laguna ay may ‘flu’ kaya isinugod ito ng mga kaanak sa Laguna Doctors Hospital nitong gabi ng Martes. ?

Sinabi ni Janairo na nag-originate ang MERS-CoV sa Middle East kaya’t mabilis na itong dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). ?

Kaugnay nito, sinabi ni Janairo na walang MERS-CoV case sa bansa, pero mahigpit nilang binabantayan ang kaso ng naturang pasyente dahil mahirap umanong kontrolin ang naturang sakit, sa sandaling magsimula na itong kumalat.

Ang MERS-CoV ay may kahalintulad na sintomas ng trangkaso, ubo at sipon at malalaman lamang ang kaibahan nito kung isasailalim sa pagsusuri ang pasyente.

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONA VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with