MANILA, Philippines — Inaasahan nang mabuo ang El Niño phenomenon ngayong Marso.
Sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano, na noong last quarter pa ng nagdaang taon binabantayan na mabuo ang El Niño pero hindi naabot ang criteria. Bunga nito, nailagay na ng PAGASA ang kanilang alert system sa “El Niño Advisory” category, na may isang agwat na lamang ay maidedeklara ng isang full-blown El Niño phenomenon.
Sinasabing sa panahon ng El Niño o tagtuyot ay maalinsangan ang panahon, humahaba ang dry season at kakaunti ang mga pag-uulan.
Dahil din umano sa El Niño, bababa ang bilang ng mga inaasahang papasok na bagyo sa bansa pero oras na may maganap na bagyo ay asahan na itong mas malakas kaysa sa normal na panahon o walang nagaganap na phenomenon.