^

Bansa

Pacquiao 'walang planong tumakbo' sa 2022; Kolehiyo tinatapos

James Relativo - Associated Press
Pacquiao 'walang planong tumakbo' sa 2022; Kolehiyo tinatapos
"Malapit na," 'yan ang sagot ng fighting senator mula Saranggani nang tanungin kung may degree na siya sa kolehiyo.
File

MANILA, Philippines — Kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo, sang-ayon si Sen. Manny Pacquiao na obligahin ang mga tumatakbo sa pagkasenador at pangulo na magkaroon ng college degree.

Bilang tugon sa mga nagsasabing 'di siya dapat nasa posisyon kaugnay ng kanyang sagot, ibinunyag ni Pacquiao sa ANC na kasalukuyan siyang nag-aaral. 

"Malapit na," 'yan ang sagot ng fighting senator mula Saranggani nang tanungin kung may degree na siya sa kolehiyo.

Ayaw namang aminin ni Pacquiao, na siya ring campaign manager ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, kung saang eskwelahan siya ngayon naka-enrol.

"Dito lang, kilala mo 'yan... Dito sa Maynila," banggit niya.

Itinanggi naman niyang may plano siyang tumakbo para sa mas mataas na posisyon.

"Sa ngayon hindi ko iniisip yung thing about running [in] 2022. Alam mo ang iniisip ko ang solusyon sa mga problema sa bansa natin," wika ng boksingero.

Unang naging representante ng Saranggani si Pacquiao noong 15th at 16th Congress at nahalal bilang senador noong 2016.

Matatapos ang kanyang six-year term pagdating ng 2022.

"The most important thing is alam mo yung sitwasyon, problema ng bansa natin," dagdag niya.

EDUCATION

POLITICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with