^

Bansa

Cito Beltran: Kaso ni Maria Ressa, ama ko magkaiba

James Relativo - Philstar.com
Cito Beltran: Kaso ni Maria Ressa, ama ko magkaiba
Inihahalintulad ng ilan ang kaso ng dalawa dahil pareho silang inireklamo ng libel habang kritikal sa pangulo ng kani-kanilang panahon.
Video grab from One News PH Youtube

MANILA, Philippines — Nanindigan si Cito Beltran na magkaiba ang kasong libelo ni Rappler chief executive officer Maria Ressa sa hinarap ng kanyang amang si Luis Beltran noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Inihahalintulad ng ilan ang kaso ng dalawa dahil pareho silang inireklamo ng libel habang kritikal sa pangulo ng kani-kanilang panahon.

Kaiba sa isyu ng ama, sinabi ni Cito na hindi isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang hinaharap ni Ressa.

"Press freedom is when we are denied to write, when we are denied access to information, et cetera. But if you are sued for libel by a private citizen, then it's kinda hard to make the association," sabi ng nakababatang Beltran, na isa ring kolumnista, sa panayam ng One News.

Tinutukoy ni Beltran ang hinaharap na cyberlibel case na hinaharap ng Rappler CEO kaugnay ng inilathalang artikulo na nag-uugnay diumano kay Wilfredo Keng, isang negosyante, sa human trafficking at iligal na droga.

Nauna nang sinabi ng Rappler at ni Ressa na "harassment" at pananakot sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa kanya.

Itinanggi naman ng Palasyo na kilala ni Duterte si Keng.

Dinakip ng National Bureau of Investigation si Ressa noong ika-13 ng Pebrero matapos ang office hours at hindi pinayagang maglagak ng piyansa sa night court pagsapit ng gabi.

Aniya, pag-abuso ito sa kapangyarihan at "weaponization" ng batas laban sa mamamayan.

Pero hindi naman kumbinsido ang anak ni Ka Louie.

"No, this is not about press freedom. The case of Luis Beltran was, you know, a clearly mislead and misinformed president... Dito kay Ressa at kay Duterte, pulitika ito eh," dagdag ni Beltran.

Libel case laban kay Beltran

Kinasuhan ng libelo si Luis Beltran ng dating pangulo kaugnay ng Philippine Star column na nagsabing nagtago ang chief executive sa ilalim ng kama noong kasagsagan ng 1987 coup d'état.

Ayon sa dating tagapagsalita ni Aquino na si Rene Saguisag, nainsulto si Cory dahil ipinahihiwatig raw nitong "duwag" siya sa kabila ng mga pangamba sa seguridad. Posible raw kasing mapalakas nito lalo ang loob ng mga kalaban ng administrasyon.

"It's a personal decision eh, dahil hindi ko alam kung yung mga taga-Malacañang noon would have advised her dahil 'pag tinawag mo siyang korakot, etc., that would have been damaging."

Humingi ng tawad si Beltran ngunit ipinagpatuloy pa rin ni Aquino ang kaso. Personal din siyang sumalang sa witness stand.

Taong 1992, nahatulang nagkasala si Beltran ng Mania Regional Trial Court at pinarusahan ng dalawang taong pagkakakulong, maliban sa P2 milyon danyos.

Gayunpaman, ibinaliktad ng Court of Appeals ang desisyon noong 1995, dahilan para ma-acquit si Beltran.

"How that judge, that RTC even found my father guilty, when the president herself pointed out that she couldn't possibly fit under the bed because there was no space under the bed," ani Cito.

"Apparently, she was, like I said, mislead into believing that my father was calling her a coward. Which was, you know, tragic."

Maliban sa kaso ni Beltran at radio broadcaster na si Alexander Adonis, wala nang ibang libel suit na nanalo laban sa mga peryodista.

"Going to court, filing cases, it was more for, just to make a point. Parang, just to show you that I am not guilty, that you are wrong, etc. So politicians go to court. But for the longest time, no libel case ever prospered," dagdag ng nakababatang Beltran.

Pagkakakulong ni Ressa 'dahil sa pagiging kritiko'

Sinang-ayunan naman ni Saguisag ang obserbasyon ng ilang militanteng grupo at media groups na may kinalaman ang presidente sa pag-aresto kay Ressa.

"Kung Maria Ressa and Rappler had been praising Digong all this time, wala itong kasong ito," wika ni Saguisag, na isa ring dating senador.

"So ang crime niya, being [a] critic of the president. Purely personal."

CITO BELTRAN

LUIS BELTRAN

MARIA RESSA

PRESS FREEDOM

RAPPLER

RENE SAGUISAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with