MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte para tuluyang maging batas ang Rice Tarrification Bill na nagtatanggal sa limitasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Inaasahang papasok sa bansa ang mas maraming imported na bigas na pinaniniwalaang magiging daan para bumagsak ang presyo nito.
Mababawasan din ang papel ng gobyerno sa pag-iimport ng bigas dahil ipapaubaya na ito sa pribadong sektor.
Nauna ng sinabi ni Finance Secretary Tony Lambino na aabot sa P2-P7 ang mababawas sa presyo ng bigas.
Dahil sa nasabing batas, matatanggal na ang tinatawag na “quantitative restrictions” pero papatawan naman ng 35 porsiyentong taripa ang mga imported rice mula sa mga bansa sa Asya at mas mataas para sa bigas na galing sa ibang bansa.
Tiniyak naman ng gobyerno na matutulungan ang mga magsasaka ng bigas at sisiguraduhing mabibigyan sila ng pondo.
Bibigyan ang mga magsasaka ng “package support program” kabilang na ang P10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund para mas madagdagan ang kanilang ani at mailaban ang kanilang ani sa murang imported na bigas.