^

Bansa

‘Tayaan sa eleksyon bawal’- Comelec

Mayen Jaymalin - Pilipino Star Ngayon
‘Tayaan sa eleksyon bawal’- Comelec
Sinabi pa ni Consuejo na maaaring masampahan ng kasong criminal ang mga tao na mahuhuling sangkot sa pagpapataya o tayaan sa magiging resulta ng halalan.

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Commission on Elections sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga tayaan o sugal sa magiging resulta ng pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2019.

“Isang election offense ang pagtataya sa resulta ng eleksyon,” diin ni Comelec Commissioner Marlon Consuejo sa isang pana­yam ng mga reporter.

Sinabi pa ni Consuejo na maaaring masampahan  ng kasong criminal ang mga tao na mahuhuling sangkot sa pagpapataya o tayaan sa magiging resulta ng halalan.

Gayunman, inamin niya na magiging mahirap para sa Comelec na mahuli at kasuhan ang mga manunugal.

“Sino ang magsasampa ng reklamo, ang natalo?” tanong ni Consuejo sabay sabi na ma­lamang hindi magsampa ng reklamo ang talunan dahil sangkot din siya sa  iligal na aktibidad.

Makakagawa lang anya ng kaukulang hakbang ang Comelec at makakasuhan ang mga sangkot sa iligal na sugal dito kung merong sapat na ebidensiya o testigo na magpapatunay dito.

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with