^

Bansa

Pag-endorso ni Duterte kay Jinggoy ipinagtanggol ni Panelo

James Relativo - Philstar.com
Pag-endorso ni Duterte kay Jinggoy ipinagtanggol ni Panelo
Dati nang nakasuhan ng pandarambong si Jinggoy kasama ang kanyang ama noong 2001.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng Palasyo ang pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial bid ni dating Sen. Jinggoy Estrada para sa 2019 midterm elections.

Bagama't humaharap sa plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinagpapalagay na inosente si Estrada hangga't hindi pa tuluyang nahahatulan.

"Former Senator Estrada is charged with corruption. And the Constitution says, unless you are convicted a final judgment, you are presumed to be innocent. So the presumption is Estrada's innocent," ani Panelo.

Maliban dito, sinabi ni Panelo na pinagbigyan na makapagpiyansa si Estrada dahil hindi raw malakas ang ebidensya laban sa kanya.

"The reason for the court's grant of provisional liberty is anchored on the fact that the evidence of guilt is not strong."

Dahil dito, hindi raw maaaring sisihin si Digong sa kanyang desisyon na suportahan ang anak ng dating presidente at ngayo'y Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Mangilang beses nang nagpahayag ang pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na sibakin ang mga empleyado ng gobyerno kung maisasangkot sa katiwalian. 

Dati nang nakasuhan ng pandarambong si Jinggoy kasama ang kanyang ama noong 2001.

Nang tanungin kung bakit sinusuportahan ng pangulo ang dating alkalde ng San Juan City, sinabi ng tagapagsalita na hindi pa niya nakikita ang mga ebidensya laban kay Estrada.

"The difference is the president, to my mind, has not received any evidence of corruption vis-à-vis Mr. Estrada. First, he is not a member of the Cabinet. He is a member of the legislature at that time. Second, he was not yet president at the time of the alleged commission of corruption," dagdag niya.

"And you will only appreciate this when you yourself [are] charged and people start saying that you're guilty. We have to respect the Constitution."

Nang tanungin kung ano ang batayan ni Duterte sa pag-eendorso, ito ang nabanggit ni Panelo: "Based on what I've heard from him when he [endorses], he said 'This man is honest!' So honesty. 'This one is masipag!' So efficient in work."

Walang epekto sa anti-corruption drive

Kumpyansa naman ang Palasyo na hindi nito maaapektuhan ang kampanya ng administrasyon kontra korapsyon.

Aniya, pinatutunayan daw ng matataas na ratings ni Duterte sa mga survey na pinagtitiwalaan siya ng taumbayan sa kabila ng mga kontrobersyal na desisyon.

Dagdag niya, walang pakielam ang pangulo sa kung ano ang iisipin ng iba.

"They're confident and believe in his judgment. And ultimately it's the people who would decide anyway," wika ni Panelo.

Samantala, muling nanindigan ang Malacañang na hindi gagamitin ng pangulo ang kaban ng bayan para mangampanya ng kanyang mga manok sa eleksyon.

"Oo, basta sinabi niya na 'I will not allow any government fund to be used in support or against any particular candidate.' Itaga niyo na sa bato 'yan," paniniguro niya.

Duterte may 'utang na loob' kay Imee

Maliban kay Jinggoy, nagpahayag na rin ng suporta si presidente sa ibang senatorial candidates.

Isa na riyan ay si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, taong pinagkakautangan daw ng utang na loob ng head of state.

Kinumpirma naman ito ni Panelo sa press briefing kanina.

"According to the president, he is helping Imee because he is indebted to her because she is only one of two governors who helped him in the campaign. Utang na loob yata yung kanyang reason," paliwanag niya.

Kilala si Imee bilang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na sangkot sa mga 'di maipaliwanag na yaman.

Tinawag ng Korte Suprema bilang "ill-gotten wealth" ang ilang offshore holdings ng pamilya Marcos na kasalukuyang nire-repatriate ng Presidential Commission on Good Government.

Gayunpaman, walang nakikitang mali ang presidential spokesperson sa endorsement kay Marcos.

"In the first place, Imee is not charged. So kung yun ngang naka-demanda presumed innocent, lalo na itong hindi nakademanda. Hindi naman siya charged ng crime eh. Wala," kanyang panapos.

2019 MIDTERM ELECTIONS

GRAFT

IMEE MARCOS

JINGGOY ESTRADA

PLUNDER

PORK BARREL SCAM

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with