P24-B Mindanao road project nilagdaan ng Phl at Japan
MANILA, Philippines — Nilagdaan na nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at Japan Foreign Minister Taro Kono ang memorandum of agreement para sa P24-billion Mindanao road network project.
Ang paglalagda sa ilang development agreement sa pagitan ng dalawang opisyal ay nangyari kasunod ng pulong nina Kono at Pangulong Duterte.
Kabilang sa mga kasunduan na nilagdaan ang Road Network Development Project sa mga conflict-affected areas sa Mindanao.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, papayagan ng Japan ang gobyerno ng Pilipinas na makapag-loan ng mahigit $202 million para tulungan pondohan ang P24-billion road project.
Sa nangyaring paglalagda, muling iginiit ni Kono ang suporta ng Japan sa Bangsamoro Organic Law, at sa pag-unlad ng Mindanao.
Nagpaabot din ng suporta ang Japan sa martime security, human resource development, at iba pang development projects.
- Latest