P1,800 motor vehicle inspection fee pinatitigil

Sa ilalim ng LTO Memorandum Circular (MC) 2018-2158 na inilabas noong Nob. 28, 2018, mapipilitang magbayad ang mga motorista ng P1,800 para sa inspeksyon ng mga sasakyang may bigat na 4,500 kilo sa isang pribadong ‘inspection center’ bilang rekisito sa pagpaparehistro.

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Grace Poe laban sa bagong circular ng Land Transportation Office (LTO) na maniningil ng P1,800 bilang ‘motor vehicle inspection fee’ na hindi dumaan sa masinsinang konsultasyon sa publiko.

Sa ilalim ng LTO Memorandum Circular (MC) 2018-2158 na inilabas noong Nob. 28, 2018, mapipilitang magbayad ang mga motorista ng P1,800 para sa inspeksyon ng mga sasakyang may bigat na 4,500 kilo sa isang pribadong ‘inspection center’ bilang rekisito sa pagpaparehistro.

Samantala, ang mga may-ari ng motorsiklo at tricycle ay kailangang magbayad ng P600 para sa ‘inspection fee.’ Kailangan din nilang magbayad ng P900 para sa reinspection fee kung ang 4,500-kilong sasakyan ay hindi pumasa sa isang bahagi ng inspeksyon.

Noong Enero, naghain si Poe ng Senate Resolution 1003 para paimbestigahan ang naturang mga labis na singil.

Sinabi ng senadora na ang P1,800 singil ay hindi basta-bastang halaga at labis na makakaapekto sa badyet ng mga motoristang hirap na sa mataas na presyo ng gasolina at iba pang mga bilihin.

Ayon kay Poe, dapat isantabi ng LTO ang planong ito na hindi dumaan sa konsultasyon ng mga apektadong motorista at iba pang sektor.

Show comments