MANILA, Philippines — Nalutas na ang kaso ng malagim na pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Church sa Jolo, Sulu noong Enero 27 ng taong ito na kumitil ng buhay ng 23 katao habang mahigit pa sa 100 ang nasugatan.
Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año matapos na sumuko na sa mga awtoridad ang limang suspect.
Sinabi ni Año na natukoy ring mag-asawang Indonesian terrorist ang suicide bombers kung saan kailangan pa ng konting panahon upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga ito.
Inihayag pa nito na ang mga suspek ay nasampahan na ng 23 counts ng murder at multiple frustrated murder at damage to property sa Sulu Provincial Prosecutors Office.