^

Bansa

Presyo mataas, sahod 'stagnant' kahit bumaba ang inflation — research group

James Relativo - Philstar.com
Presyo mataas, sahod 'stagnant' kahit bumaba ang inflation — research group
Ayon sa IBON Foundation, mas mataas pa rin ang inflation ngayon kumpara sa 3.4 porsyento noong Enero 2018.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Bagama't bumagal nang bahagya ang inflation noong Enero 2019, mas mataas pa rin daw ang presyo ng mga bilihin ngayon kumpara sa parehong panahon noong 2018, ayon sa IBON Foundation.

Iniulat kasi ng Philippine Statistics Authority kahapon na 4.4 porsyento ang headline inflation ngayong Enero 2019, mas mababa sa 5.1 noong Disyembre 2018.

Aniya, mas mataas pa rin ang inflation ngayon kumpara sa 3.4 porsyento noong Enero 2018.

"[T]he prices of rice, sugar and native garlic are more expensive by as much as Php3.00, Php10.00 and Php20.00 per kilo, respectively; vegetables like cabbage and eggplant increased by Php10.00 and Php40.00 per kilo; while bangus and beef have also increased by Php40.00 and Php25.00 per kilo," sabi ng grupo tungkol sa mga presyo sa National Capital Region na iniulat ng PSA.

Nanindigan ang IBON na patuloy pa rin daw na bumabagahe ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilyang mababa ang kita.

Sa taya ng grupo, anim sa sampung Filipino households ang kumikita nang mas mababa sa family living wage na P996 kada araw, ang halagang kinakailangan para mabuhay nang disente ang pamilyang may limang miyembro.

'Itinaas ng sahod kulang sa inflation'

Bagama't nagkaroon ng ilang pagtaas sa sahod, iginiit ng IBON na hindi sapat ang mga naging umento noong 2018 para umagapay sa inflation. 

Dahil dito, nananatiling mababa raw ang "real income" ni Juan dela Cruz.

"For instance, the Php25 wage hike in the National Capital Region (NCR) was just a 4.9% increase in the minimum wage, to Php537, versus 5.5% inflation in NCR for 2018," dagdag nila.

Kung i-aadjust din daw sa inflation, lumalabas na 1.6 porsyento lang daw ang itinaas ng average daily basic pay na P364 noong Enero 2018 kumpara noong nakalipas na 17 taon.

Patuloy daw na pahihirapan ng matataas na bilihin at "stagnant wages" ang milyun-milyong Pilipino kung hindi babaguhin ang economic policies ng bansa.

"The government has to accept the necessity of market-bending interventions to support domestic agriculture and industry if it wants to lower the price of locally-produced food and other products."

Palasyo natuwa sa tinatahak ng ekonomiya

Samantala, ikinagalak naman ng Malacañang ang pagbagal ng inflation. 

Aniya, ipinakikita raw nito ang mapagpasyang aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang mga problemang nagdulot nito.

Ito na ang pinakamababang naitala simula pa noong Abril 2018.

“The Palace is pleased with the good news that for the third straight month, inflation continues to drop, registering at 4.4 percent in January 2019,” ani presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag.

“Last year, soaring prices caused by uncontrollable factors, tested our will as a nation. Not disheartened nor cowed, we rose to the challenge as a people,” dagdag niya.

Matatandaang pumalo sa 6.7 porsyento ang inflation rate noong Setyembre at Oktubre 2018, ang pinakamataas sa nakaraang siyam na taon.

Sisiguruhin naman daw ng Palasyo na mararamdaman ito ng karaniwang consumer.

“We will remain on guard in monitoring the prices of basic goods and commodities as we aim to mitigate poverty and hunger, driven by the president’s economic goal to lay down and build the foundation to a comfortable life for the present and future generations."

Iniugnay ng PSA ang pagbaba primarya dahil sa slowdown ng "annual increment" sa pagkain at non-alcoholic beverages sa 5.6 porsyento, mula 6.7 noong Disyembre.

Nangyari ang pagbaba ng inflation sa kabila ng pagpapatupad ng ikalawang fuel excise tax hike sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, ayon sa national statistician na si Lisa Grace Bersales.

Sa ilalim ng ikalawang package ng TRAIN, magpapatupad ng dagdag P2 kada litro ng gasolina, P1 kada litro ng kerosene at P1 kada kilogram ng liquefied petroleum gas.

IBON FOUNDATION

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with