^

Bansa

Palasyo kay de Lima: Magdasal ka na lang!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Palasyo kay de Lima: Magdasal ka na lang!
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na makiramay sa mga nasawi sa Mt. Carmel Cathedral kabilang ang mga sundalo ay sinisingil pa nito ang kabiguan umano ng intelligence unit ng AFP na matunugan ang naging plano ng mga terorista.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Malacañang si detained Sen. Leila de Lima na magdasal na lamang sa kanyang kulungan upang umusbong ang kabutihan sa kanyang puso kaysa sisihin ang militar sa pagkabigo nitong matiktikan ang ginawang Jolo cathedral twin bombing.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na makiramay sa mga nasawi sa Mt. Carmel Cathedral kabilang ang mga sundalo ay sinisingil pa nito ang kabiguan umano ng intelligence unit ng AFP na matunugan ang naging plano ng mga terorista.

Aniya, kinuwestyon pa ni de Lima ang intelligence community kung paano nito ginagastos ang Intel fund ng military.

Inakusahan ni de Lima si Pangulong Duterte na hindi kayang protektahan ang taumbayan mula sa mga gawain ng terorista sa pamamagitan ng mga pananakot nito sa kanyang mga salita.

Aniya, kung hindi nagdeklara ng Martial Law ang Pangulo sa Mindanao ay baka mas malala ang sitwasyon sa buong rehiyon at baka araw-araw ay may karahasan at kaguluhan.

“Having lost a venue in the halls of Congress for her attacks on the President, and having become an irrelevant political entity, she tries to re-enter the public’s consciousness by dishing out reckless and offensive rants against the President reducing herself into a pathetic figure and a pitiful caricature,” giit pa ni Panelo.

JOLO CATHEDRAL TWIN BOMBING

LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with