MANILA, Philippines — Nakapagtala na lamang ng 4.4 percent inflation rate nitong Enero 2019.
Mas mabilis na ito kung ihahambing sa 5.1 percent inflation noong Disyembre 2018.
Inilabas kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang naturang data, kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, positibong development ito ngunit hindi pa rin naabot ang dating record na 4.0 noong Enero 2018.
Nananatili namang “optimistic” ang gobyerno na magpapatuloy ang magandang momentum para sa mas malakas na ekonomiya dahil sa pagbagal ng inflation para sa mga produkto at serbisyong kinakailangan.