^

Bansa

Digong nakiisa sa Chinese New Year, pinahalagahan ang relasyon sa Tsina

James Relativo - Philstar.com
Digong nakiisa sa Chinese New Year, pinahalagahan ang relasyon sa Tsina
Pagsalubong sa Chinese New year kagabi sa Binondo, Maynila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng kanyang pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Chinese New Year ng Filipino-Chinese community.

Sa kanyang Lunar New Year message, idiniin ng pangulo sana'y lalo pang yumabong ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

"The friendship and cooperation forged between the Philippines and China have not only led to greater prosperity and economic growth for both our nations, but also gave rise to a unique culture that is nurtured by harmony amidst diversity," wika ni Digong.

(Ang pakikipagkaibigan at pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay hindi lamang nagresulta sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating mga bayan, ngunit nagbunsod din ng natatanging kultura na pinayayabong ng magandang pagsasamahan sa gitna ng pagkakaiba.)

Matatandaan na nagtungo si Chinese president Xi Jinping sa Pilipinas noong Nobyermbre 2018 para sa isang state visit.

Dito, nilagdaan ng Pilipinas at Tsina ang 29 kasunduan bilang tanda ng umuunlad na ugnayan ng dalawang bayan.

Umaasa naman ang Pangulong Duterte na umani pa ng mas maraming tagupay ang mga Tsinoy ngayong Year of the Pig.

"May this New Year bring hope, inspiration, and more achievements for the Chinese-Filipino community and the entire nation," dagdag niya.

(Nawa'y magdala ang Bagong Taon ng panibagong pag-asa, inspirasyon, at mas marami pang tagumpay para sa Chinese-Filipino community at sa buong bansa.)

"Together, let us cultivate the values and ideals that fuel our strong resolve to usher in a period of greater peace and understanding as we rise higher above the challenges ahead."

(Magkasama nating lilinangin ang mga kagawian at paniniwala na nagtutulak sa ating matinding kagustuhan na magkaroon ng kapayapaan at pag-uunawaan habang sabay na nilalampasan ang mga pagsubok.)

Nangyayari ito sa gitna ng patuloy na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, kung saan parehong claimant ang dalawang bansa.

Noong 2016, kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang pag-angkin ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

CHINA

CHINESE NEW YEAR

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with