Solons nabahala sa pagbawi sa kanilang mga bodyguard

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johny Pimentel na nangangamba sila sa kanilang seguridad ngayong na pull out ang kanilang mga security escorts.
facebook

MANILA, Philippines — Nababahala ang mga kongresista sa pag-pull out ng kanilang mga bodyguard o security details ngayong papalapit na ang May 2019 elections.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johny Pimentel na nangangamba sila sa kanilang seguridad ngayong na pull out ang kanilang mga security escorts.

Manganganib umano ang kanilang buhay dahil sa kawalan ng mga body guards lalo pa’t pahirapan ang pagkuha nila ng mga security details.

Paliwanag ni Pimentel marami  na ang pinaslang na kandidato at mas lalo pa itong darami kung hindi sila mabibigyan ng mga security personnel.

Show comments