Sa Medical record ng Pangulo
MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Interior and Local Government Secretary Rafael “Raffy” Alunan III na walang karapatan ang sinoman na pilitin ang Pangulo ng bansa na isapubliko ang kanyang kondisyong pangkalusugan kahit ito pa ay ang Kongreso.
Ayon kay Alunan na isang senatoriable, hindi maaaring i-pressure ng Kongreso si Pangulong Duterte na isiwalat sa publiko ang kanyang kalagayang pangkalusugan.
Aniya, sa halip ay maari lamang makiusap ang Kongreso kung ano ang totoong medical condition ng Pangulo ngunit, sa huli, ang Pangulo pa rin ang may desisyon kung isasapubliko ito o hindi.