107 officials, mananagot sa Manila Bay pollution
MANILA, Philippines — May 107 lokal na opisyal ang unang natukoy ng Department of Interior and Local Government (DILG) na dapat managot at pagkalooban ng ‘show cause orders’ kaugnay ng polusyon sa Manila Bay.
Hindi muna tinukoy ni DILG Undersecretary Martin Diño ang pagkakakilanlan ng mga naturang opisyales, ngunit kinabibilangan aniya ito ng mga alkalde at mga punong barangay.
Sinabi ni Diño na matapos na mabigyan ng show cause order ay idedemanda na umano nila sa Office of the Ombudsman ang mga naturang local officials.
Nabigo kasi aniya ang mga ito na ipatupad ng tama ang waste disposal laws sa mga komunidad sa paligid ng Manila Bay sa mga nakalipas na taon.
Monitoring, valuation, validation pagkatapos picture-taking lamang aniya ang naisagawa sa mga nagdaang panahon, kaya’t natutuwa siyang ngayon, matapos ang monitoring ay kasunod na ang prosekusyon sa Ombudsman, dahil kailangang may managot sa kapabayaan sa Manila Bay.
- Latest