Retirement age ibababa sa 56 anyos, GSIS umalma

Pinatutungkulan ni Aranas ang House Bill 8683 ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na nag-aamiyenda sa Government Service Insurance Act of 1997.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinontra ng Government Service Insurance System (GSIS) ang panukala ng Kongreso na ibaba ang retirement age mula 60 pababa sa 56 dahil sa pangamba na umigsi naman ang buhay ng kanilang ‘social insurance’.

“Our main concern on the lowering of retirement age for government employees stems from the results of our actuarial study that it will reduce the financial life of the social insurance fund by 12 years,” pahayag ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Pinatutungkulan ni Aranas ang House Bill 8683 ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na nag-aamiyenda sa Government Service Insurance Act of 1997. 

Inaprubahan na ng Kamara ang naturang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa pamamagitan ng 206 affirmative votes.

Kung maipatutupad umano ito, sinabi ng ahensya na upang hindi mapaigsi ang buhay ng kanilang pondo, mapipilitan ang ahensya na magpatupad ng mga polisiya tulad ng pagpapaliit rin sa mga benepis­yo at pagpapataas naman ng mga kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Ayon pa sa ahensya, kung matutuloy ang pagbaba sa retirement age sa 56, mababawasan ang buhay ng kanilang pondo o masasaid sa 2039 mula sa kasalukuyang buhay nito na hanggang 2051.

Show comments