Leni, Otso pumalag sa China relief center sa WPS

Umalma sina Robredo at ang mga kandidatong sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Chel Diokno sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, na dapat pa umanong “ipagpasalamat” ng mga Pilipino ang paglalagay ng China ng ganitong istruktura sa teritoryo ng Pilipinas.

MANILA, Philippines — Mariing tinututulan ni Vice Pres. Leni Robredo at ng mga kandidato ng Otso Diretso ang pagtatayo ng China ng isang maritime rescue center sa Kagiti­ngan Reef, na bahagi ng West Philippine Sea. 

Umalma sina Robredo at ang mga kandidatong sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Chel Diokno sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, na dapat pa umanong “ipagpasalamat” ng mga Pilipino ang paglalagay ng China ng ganitong istruktura sa teritoryo ng Pilipinas. 

“Atin iyan. Matagal na nating ipinaglalaban iyan, at mismong arbitral tribunal ay sinabi na sa ating teritoryo iyan. Hindi ko maintindihan na magpapasalamat pa raw tayo sa ibang bansa,” ani Diokno, isang iginagalang na human rights lawyer. “Bakit may teritoryo tayo na ipamimigay natin? We have no reason to give up our sovereignty.” 

Sang-ayon dito si Alejano, na isang dating Marine officer, at pinatutsadahan ang Palasyo, kung para kanino ba talaga ito naglilingkod. 

“Kapag hindi ho tayo tumayo sa ating karapatan diyan sa West Philippine Sea, there is no assurance that we would be able to protect and defend Benham Rise and even the entire country.” 

Para naman kay VP Leni, malinaw nang naipanalo ang karapatan sa teritoryo sa West Philippine Sea, at dapat itong pangalagaan. 

Ang mga kandidato sa ilalim ng Otso Diretso ay matagal nang nagpapaha­yag ng pagkabahala at pagtuligsa sa tila pagpanig ng administrasyon sa China, at ang hindi nito pag-angal sa panggigipit na ginagawa ng nasabing bansa, lalo na sa mga mangingisdang nakikinabang dapat sa exclusive economic zone ng Pilipinas. 

Show comments