Comelec: Guro 'di mababayaran kung 'di maipasa ang 2019 budget
MANILA, Philippines — Kinakakatukang hindi mabigyan ng honorarium ang mga election workers, guro at mga volunteer kung 'di maipasa ang 2019 budget ayon sa Commission on Elections.
Sa isang press briefing kanina sa Intramuros, Maynila, inilinaw ng Comelec na nangangailangan ng P3.2 bilyon para mabayaran ang mga teacher at support staff na aasikaso sa national and local elections sa Mayo.
COMELEC fears if 2019 budget is not passed, election workers, teachers, volunteers will not be paid in the May 2019 elections; requests Congress appropriate their original proposal of P3.2-B for compensation of the teachers @News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/rJUa9SETZV
— Pat Mangune TV5 (@PatMangune) February 1, 2019
Nanawagan ang komisyon sa Kongreso na ilaan na ang orihinal nilang panukala nang masiguro ang naturang compensation.
Sa panayam ng PSN, binatikos naman ni Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang pagkakaroon ng re-enacted budget na maglalagay sa mga guro sa alanganing posisyon.
"Isa [ito] sa maraming dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap na magkaroon ng re-enacted budget. Parang mga spoiled brat ang mga senador na nagbabantang bawiin ang kanilang budget bill dahil binubulatlat ang kanilang insertions," sabi ni Tinio.
Dagdag niya, paspasan na ang pagpasa ng pambansang pondo bago pa matapos ang sesyon.
"Itigil na nila ang pagmamaktol, harapin ang kanilang tungkulin sa bicam upang maisalang ang pinal na badyet sa plenaryo sa nalalabing mga araw ng sesyon.
Kasalukuyang tumatakbo sa "re-enacted budget" ang pamahalaan, na inihalaw sa pondo ng 2018, habang hindi pa naipapasa ang General Appropriations Bill.
Naiipit ang panukalang P3.757 trilyong 2019 national budget dahil sa mga diumano'y pork barrel insertions ng mga mambabatas.
Dagdag sweldo ng guro nanganganib
Maliban sa bayad sa mga guro, nanganganib din na hindi maipatupad ang pangakong umento sa sweldo at dagdag benepisyo ng mga teachers dahil sa banta ng re-enacted budget ayon sa ACT.
Sa lower house version ng panukala, mabibigyan ng P500 ang kada guro para sa annual medical exam fund, habang mabibigyan naman ng P1,000 World Teacher's Day bonus ang ang bawat public school teacher sa bersyon ng Senado.
“This budget deliberation has taken a turn for the worst, as pork insertions of more and more legislators come to light. It is highly disconcerting to watch our elected officials get consumed by greed as they decide on the people’s money,” ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio sa protesta kahapon ng affiliate na Quezon City Public School Teachers Association.
Dagdag nila, inaasahan na ito ng mga kaguruan matapos ipangako ni Education Secretary Leonor Briones ang P1,500 WTF bonus, dagdag sa chalk allowance mula P3,500 hanggang P5,000, overtime/overload pay, at full payment ng special hardship allowance.
"Teachers have been waiting a long time for the full realization of these demands. It’s what inspired the various militant actions and activities we launched last year, which later led to Sec. Briones making public her promise that teachers will be granted several benefits," sabi ni QCPSTA President Kristhean Navales.
Ikinatatakot naman ng ACT na magamit ang 2018 re-enacted budget sa korapsyon.
Epekto sa ekonomiya
Samantala, nababahala ang Malacañang tungkol sa masamang epekto nito sa ekonomiya at sinabing maaantala ang pagpapatupad ng mga proyekto ng gobyerno dahil dito.
“This (lack of a new budget) would translate to lost opportunities for higher growth as our economic managers are estimating a loss of 1 to 2.3 percentage points in the full-year gross domestic product in the event that the 2019 budget will not be passed,” banggit ni presidential spokesperson Salvador Panelo.
“Programs of various departments this year intended for poverty reduction, health promotion and peace and security advancement, to mention a few, would be inevitably affected as well.”
Sinabi ni Panelo na nangako ang ilang miyembro ng bicameral committee na susubukin nilang maipasa ito sa susunod na linggo.
Nakatakdang mag-adjourn ang Kongreso sa ika-9 ng Pebrero para sa midterm elections. Magsisimula ang opisyal na panahon ng kampanya ng ika-12 ng Pebrero.
- Latest