Publiko pinag-iingat sa malamig na panahon
MANILA, Philippines — Dahil sa matinding lamig ngayon ng panahon, pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa posibleng mga sakit na maaaring makuha rito.
Ayon kay DOH Usec. Rolando Enrique Domingo, laganap ang respiratory illnesses tulad ng cough, colds, asthma at influenza sa panahon ng tag-lamig.
Ito umano ang buwan na peak season para sa mga cold disease na nagsimula pa noong Oktubre 2018.
Nabatid na patuloy na mararanasan ang malamig na panahon hanggang sa susunod na buwan.
Kasabay nito, hinikayat din ang publiko na magpabakuna para makaiwas sa grabeng epekto ng mga sakit.
Nabatid na sa Baguio, pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang temperatura, itinuturing na pinakamababang naitala ngayong taon.
Gayunman, sa mga mas malalamig na lugar tulad ng Mount Sto. Tomas sa Tuba, Benguet, ang lugar na kilala bilang Sitio La Presa ay umabot sa 6.2 degrees Celsius ang lamig.
Marami na umanong residente ang nagrereklamo sa ubo at lagnat dahil sa sobrang lamig.
- Latest